MANILA – Nagpadala ng sulat sa Commission on Election si dating Commissioner Greogorio Larrazabal para kwestyunin ang balak na mall voting ng poll body.Sa kanyang liham sa Comelec En Banc, binigyang diin ni Larrazabal na nakasaad sa section 153 at 154 ng Omnibus Election Code na bawal ang paglilipat ng mga pagdadarausan ng botohan ng walang inilalabas na resolusyon ang en banc.Sinabi pa ni Larrazabal na kahit may ginaganap na konsultasyon ditto, kinakailangan pa rin ng isang resolusyon mula sa en banc.Pero paglilinaw ni Comelec Chairman Andres Bautista naglabas na sila ng dalawang resolusyon hinggil sa mall voting kabilang na ang listahan ng mga apektadong presinto.Aabot sa 337 clustered precint ang posibleng mailipat sa ilalim ng mall voting habang nasa mahigit 300,000 libong botante ang makikinabang sa nasabing hakbang.
Mall Voting Sa Halalan, Posibleng Mabasura
Facebook Comments