‘MALNUTRITION INDICATOR’ SA REHIYON UNO, BUMABA NGAYONG TAON – NNC RO1

Mas bumaba ngayon ang mga indikasyon ng pagiging ‘malnourished’ ng mga kabataan sa rehiyon uno ayon sa National Nutrition Council Regional Office 1.

Sa ekslusibong interview ng iFM Dagupan kay Kendall Gatan, ang OIC at Nutrition Program Coordinator ng naturang ahensya, sinabi nitong nabawasan ang underweight, stunting, wasting, overweight, at obese sa rehiyon sa taong 2020 na nagsisilbing pinakahuling data na mayroon sila.

Sinabi rin nito na ngayon ay nakikita naman daw nilang maayos at mababa pa rin ang indicators ng malnutrisyon dito at mismong sa ating lalawigan ng Pangasinan kahit hindi pa nila hawak ang buong pagtatala kaugnay nito.


Samantala, binabantayan naman ng ahensya ang Dagupan City na kung maaalala ay nakapagtala ng pinakamataas na porsyento ng indicators sa siyam na mga siyudad sa buong rehiyon taong 2019.

Mino-monitor din ngayon ang mga munisipalidad ng Aguilar, Bayambang San Jacinto at Mangaldan para sa underweight; Aguilar, Mangaldan, Tayug, San Jacinto, at Bayambang para sa stunting, Aguilar, Laoac, Binmaley Tayug, at Labrador para naman sa wasting, at sa Overweight and Obesity indicator ay nangunguna sa buong rehiyon ang bayan ng San Quintin.

Nagpapatuloy naman ang pakikipagtulungan ng NNC sa mga LGU para mabigyang-atensyon ang problema sa malnutrisyon, at nagpapamigay din ng wastong pagkain para sa mga buntis at bata sa lalawigan.

Hinihikayat din ng kagawaran na gumawa ng iba’t ibang hakbang ang mga LGU para masugpo na sa kani-kanilang mga lokalidad ang kakulangan sa nutrisyon sa mga kabataan.

Facebook Comments