Pangulong Duterte, sinibak ang iba pang kawani ng BIR at DPWH dahil sa korapsyon

Hindi pa natatapos ang krusada ng Administrasyong Duterte laban sa korapsyon sa pamahalaan.

Sa kanyang Talk to the People address, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mga sinibak pa siyang mga empleyado mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa pagkakasangkot sa katiwalian.

Ang DPWH sa pangunguna ni Secretary Mark Villar ay puspusan aniya sa paglilinis sa ahensya.


“DPWH is safe. Secretary Villar is working overtime at pinagtatanggal niya, at my suggestion– na kunin niya yung mga tao na known to be corrupt and incorrigible,” sabi ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments