MALNUTRITION SA CORDILLERA, TINUTUTUKAN NA!

Baguio, Philippines – Sa pag-gunita ng Nutrition month, ngayong Hulyo, tinututukan na ng National Nutrition Council sa Cordillera Administrative Region (NNC-CAR), ang mga kaso ng Malnutrition sa rehiyon sa panahon ng krisis dulot ng pandemya lalo na ang lagay at kalusugan ng mga nagbubuntis, kung saan apektado  sila sa kakulangan ng pasilidad na aagapay sa kanila.

Ayon kay NNC-CAR program coordinator, Rita Papey, kailangang mabantayan at maagapan ang mga maagang sinyales ng malnutrition ng bata simula sa kanyang kapanganakan hanggang sa ito ay mag-dalawang taon, kung saan dapat ang bata ay hindi dapat makitaan ng pagtigil sa pag-laki at mga sakit sa dalawang importanteng taon sa paglaki nito, at kung makikitaan man, maari itong makaapekto sa utak ng bata lalo na sa kanyang kamalayan, pag-intindi, kanyang salita, memorya kasama ang pisikal na lagay ng bata sa darating na panahon.

Dagdag pa nya na ang nutrisyon ay responsibilidad ng mga ahensya ng gobyerno sa panahon ng krisis, kung saan karamihan ng apektado ay kabataan, kaya malaking tulong ang Social Amelioration Program ng gobyerno para matulungan ang mga pamilyang ginipit ng krisis.


Samantala, nagtala ng 14,571 na mga kabataang natigil sa paglaki ang  NNC-CAR noong nakaraang taon.

Facebook Comments