MALULUSAW? | BBL, hindi akma sa isinusulong na Federalism

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Senator Risa Hontiveros na hindi akma sa panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL ang isinusulong na Pederalismo ng Duterte Administration.

Pangunahing tinukoy ni Hontiveros na ang BBL ay idinisenyo base sa Sultanate Model na malulusaw lang sa mga probisyong nakapaloob sa planong Federalism.

Ipinunto pa ni Hontiveros na sakaling maunang maipasa ang BBL ay hindi ito maaring isailalim sa proseso ng pagpapalit ng porma ng gobyerno patungong Federalism.


Paliwanag ni Hontiveros, ang pagbuo ng Bangsamoro State ay nakasalalay lang sa desisyon ng Bangsamoro people taliwas sa Charter Change para sa Federalism na pagbobotohan ng lahat ng mamamayan sa buong bansa.

Binigyang diin ni Hontiveros na maliban sa pagiging anti-BBL, ay peke din ang umano’y layunin na pinapalutang para sa Federalism dahil ang totoo, ito aniya ay para lamang sa kapakanan ni Pangulong Duterte at kanyang mga kaalyado.

Facebook Comments