Wala namang ulat na nasaktan o nasugatan sa naitala ng PHILVOCS sa nangyanig na lindol na nangyari kaninang alas 5:26 ng umaga sa Bayan ng Malungon sa Saranggani Province.
Ayon sa PHILVOCS, natunton ang Epicenter ng Magnitude 4.3 sa 15 kilometro sa Hilagang Kanluran ng Malungon.
May lalim na 34 na kilometro ang lalim ng pinagmulan ng pagyanig at Tectonic ang dahilan.
Naramdaman ang Intensity 5 sa Malungon Saranggani, Intensity 4 sa Tupi, Saranggani, Intensity sa Koronadal City, Alabel, Saranggani at Kidapawan City.
Naramdaman din ang Intensity 3 sa Digos City, Intensity 2 sa Davao City, General Santos City, Koronadal City at Tampakan sa South Cotabato at Kiamba sa Saranggani.
Sabi pa ng PHILVOCS, wala na raw aasahan na magkaroon ng Aftershocks matapos ang pagyanig.