Masusubukan na sa gagawing pag-monitor sa Undas 2022 ang kakayahan ng binuong drone squadron ng Quezon City Police District.
Simula sa Biyernes, ide-deploy na ito sa iba’t ibang sementeryo, columbarium at bus terminal.
Ayon kay QCPD Director PBGeneral Nicolas Torre III, papaliparin ang mga Unmanned Aerial Vehicles (UAVs) o drones para sa kanilang anti-crime operations.
Kanina ay ipinasilip ang mobile command center kung saan mismong mamamatyagan ang sitwasyon sa mga sementeryo.
Ipinakita rin ang central command center kung saan ipupukol ang mga monitored situation para sa kaukulang aksyon.
Sa kasalukuyan, mayroong 21 drones ang QCPD na gagamitin sa Undas.
Plano pa ng QCPD na maglagay ng mga iPad o tablet sa mga patrol car nito, na may kabuuang bilang na dalawang daan.