Maluwag na auditing rules sa COA, isinusulong ni PRRD

Manila, Philippines – Ipinapanukala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng simpleng auditing rules para sa Commission on Audit (COA) upang maiwasan ang mabagal at pagkaantala ng paghahatid ng serbisyo sa publiko.

Ayon kay Pangulong Duterte – nais niyang makipagpulong sa COA at sa Office of the Ombudsman para pagaanin ang audit regulations sa mga ahensya ng gobyerno.

Isinisisi rin ng Pangulo ang pagpapatupad ng mahigpit na auditing protocols na siyang nagdidiskaril sa ilang government projects.


Hindi rin nagustuhan ng Pangulo ang maraming regulasyon ng COA na siyang nagpapabagal ng paghahatid ng serbisyo sa publiko.

Pero nilinaw ng Pangulo na mataas ang respeto niya sa mga state auditor subalit may ilan talaga aniya ang nababaliw dahil sa auditing rules.

Matatandaang ikinadismaya na ng Pangulo ang mahigpit na auditing protocols ng COA at nagbiro pang ipaki-kidnap at ipato-torture pa ang state auditors.

Facebook Comments