MALUWAG NA DALOY NG TRAPIKO SA NUEVA VIZCAYA, NARARANASAN

CAUAYAN CITY – Patuloy na nakakaranas ng light traffic ang mga motorista sa lalawigan ng Nueva Vizcaya matapos ang pagbabalik trabaho ng DPWH noong Lunes, ika-6 ng Enero ngayong taon.

Ayon kay Engr. Melecio Tumbali, Jr., dalawang kalsada ang nakabukas sa Diadi kung kaya’t hindi gaanong kabigat ang daloy ng trapiko.

Maluwag din ang trapiko sa Bagabag gayundin sa Bambang kung kaya’t walang naging mahabang pila sa loob ng 30 minute-interval.


Dagdag pa ni Engr. Tumbali, pansamantalang sinuspinde ang aktibidad sa Sta. Fe upang hindi makaabala sa mga sasakyan at motorista.

Facebook Comments