Manila, Philippines – Target mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong buwan ang bilateral agreement na magibibigay proteksyon sa mga OFW sa Kuwait.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – naisapinal na ang Memorandum of Understanding o yung proposed labor pact ay pirma na lamang ng Pangulo ang hinihintay.
Dagdag pa ng kalihim, posibleng tumungo ng Kuwait ang Pangulo para personal na masaksihan ang paglalagda ng kasunduan.
Kailangan aniyang mapirmahan ang kasunduan sa lalong madaling panahon bago magsimula ang banal na buwan ng ramadan sa mga Muslim.
Nakapaloob sa kasunduan ang pagbabawal sa mga employer na kumpiskahin ang pasaporte ng mga OFW, payagang makatulog ng pitong oras at makaluto ng sarili nilang pagkain at pag-iiwas sa anumang pisikal na pang-aabuso.