Sino ba namang matinong tao na papayag na magasgasan ang kanyang sasakyan, syempre wala diba?
Pero isang museum sa Denmark ang pumapayag na gasgasan ng mga bumibisita sa kanila ang isang itim na sasakyan na isa lang naman Lamborghini Gallardo.
Idinisplay ng Danish Museum Aros Aarhus Kunstmuseum ang nasabing Lamborghini Gallardo bilang parte ng “No Man Is An Island” exhibit nila.
Sa loob ng tatlong linggo ay pinayagan nilang lagyan ng gasgas o sulat ang naturang expensive Italian sports car para magbigay ng isang mensahe sa mga publiko.
Ayon kay Pernille Taagaard Dinesen, curator ng Aros Museum – nais nilang iparating na lahat ng iyong ginagawa at desisyon ay nag-iiwan ng marka o impact sa ating society.
Facebook Comments