Local 911 hotline ng Bataan, activated na

40

Bataan, Philippines – Activated na ang local 911 hotline sa Bataan.

Ito ang tiniyak ni Bataan Governor Alex Garcia sa isinagawang pulong kahapon ng Bataan Mayors League sa kapitolyo ng Bataan kasama ang ilang negosyante.

Aniya, ito ang kauna-unahang local 911 sa labas ng Davao City na siyang unang nag-activate sa Bataan.

Magagamit ang hotline para sa emergency gaya ng vehicular accident, sunog, krimen at iba pang insidente.

At para sa public information bukod sa broadcast, nagpaskil rin sa mga pangunahing kalsada hinggil dito.

Facebook Comments