Ang kaso ay isinampa ng kampo ni 3rd District Congressman Jojo Lara sa pamamagitan ng kanyang tauhang si Victor Casauay na siyang naghain ng reklamo sa tanggapan ni City Prosecutor Jessie Usita.
Ayon kay Sending, ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya ay pawang political harassment lamang ng kampo ni Cong. Lara.
Dagdag pa niya, ang nasabing kaso ay malinaw na halimbawa ng pang-gigipit sa kalayaan sa pamamahayag.
Sa ibinahaging impormasyon ng CPIO, si Sending ay nakapaglagak ng piyansa para sa pansamantala nitong kalayaan.
Maliban kay Sending, naghain din ng reklamo si Casauay laban kay Governor Manuel Mamba subalit si Sending lamang ang tuluyang sinampahan ng kaso ni City Prosecutor Usita sa korte.
Matatandaang si City Prosecutor Jessie Usita ay minsang nagsilbing Provincial Legal Officer noong panahon ni dating Governor Edgar Lara na malapit na kaanak naman ni Cong. Jojo Lara.