Mamamasadang Traysikel sa Lungsod ng Cauayan, Isang Pasahero Lamang!

Cauayan City, Isabela- Nagsimula nang mamasada sa Lungsod ng Cauayan ang ilang mga traysikel drayber matapos na payagang bumiyahe ngayong unang araw ng Mayo kasabay sa pagpapatupad ng General Community Quarantine.

Batay sa inilabas na bagong guidelines sa GCQ ng Cauayan City COVID-19 Taskforce, bente kwatro oras na susunod sa number coding ang mga traysikel base sa body number.

Isang pasahero lamang ang pinapayagang isakay sa traysikel bilang bahagi pa rin sa protocols para sa pag-iwas sa sakit na COVID-19.


Mahigpit din ipapatupad ang ‘No Face mask, No Ride Policy’ sa mga mamasadang traysikel at kinakailangan din na may dalang alcohol o sanitizer ang drayber.

Nakalagay din sa guidelines na dapat may nakapaskil na signage ng polisiya (NO MASK, NO RIDE) sa harapan ng traysikel.

Kaugnay nito, nanatili pa rin sa minimum fare na 13 pesos ang singil sa isang pasahero na sasakay lamang sa poblacion area hanggat wala pang abiso mula sa kinauukulan.

Facebook Comments