Mamamayan ng Tinoc, Ifugao, Kinundena ang Pagpatay ng NPA sa Ex- Barangay Kapitan!

570

Cauayan City, Isabela- Nagtipon-tipon ang mga mamamayan ng Tinoc, Ifugao upang kundenahin ang mga teroristang CPP-NPA na pumatay sa dating barangay Kapitan ng Tukucan, Tinoc, Ifugao na si Joseph Alicnas Calabson.

Ito ay sa pamamagitan ng indignation rally bilang pagpapakita ng sakit ng loob at pagpapatalsik sa mga teroristang CPP-NPA maging ang mga front organizations sa kanilang ginawang karumal-dumal na krimen.


Dinaluhan at sinuportahan rin ito ng LGU Tinoc, mga grupo ng katutubo at iba pang mga ahensya ng gobyerno.

Magugunita na noong Marso 3, 2020 nang pasukin ng 3 nagpakilalang miyembro ng Nona Del Rosario Command New Peoples’ Army-Ifugao ang ipinapagawang bahay ng biktima sa Barangay Tukucan kung saan isinagawa ang pamamaslang sa dating Kapitan.

Facebook Comments