MAMBABATAS SA LA UNION, APELA ANG DEVELOPMENT SA NAGANAP NA PANGHIHIPO SA ISANG ATLETA NOONG KASAGSAGAN NG BATANG PINOY 2025

Tinawagang pansin ng isang mambabatas sa La Union ang mga awtoridad upang tumugon at magbigay ng update sa mga isinagawang hakbang kasunod ng insidenteng kinasangkutan ng batang atleta at coach nito noong kasagsagan ng Batang Pinoy 2025.

Ayon sa mambabatas, demoralidad sa delegasyon ng San Fernando City at sa buong lalawigan ang naging insidente at higit pa ang epekto ng eskandalo sa biktimang atleta.

Mahalaga umano na matugunan ang naturang usapin dahilan upang imungkahi na talakayin ito ng Committee on Women, Responsible Parenthood and Gender and Development at Committee on Youth and Sports Development.

Matatandaan na naaresto ang tinukoy na coach matapos isumbong ng biktima ng panghihipo habang natutulog sa itinalagang classroom quarters sa General Santos City noong Oktubre. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments