Mambabatas, umapela sa publiko na piliing mabuti ang ibobotong kandidato sa 2022

Nanawagan si Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva sa publiko na piliing mabuti ang mga kandidatong ihahalal sa 2022 elections.

Ang apela ng kongresista ay kasunod ng ulat na hindi mabibigyan ng bilyong halaga ng “grant” ang bansa ng Millennium Challenge Corp. (MCC) ng Amerika bunsod ng kabiguan ng pamahalaan na masawata ang korapsyon.

Hiling ni Villanueva sa mga botante, gamiting pagkakataon ang halalan para maghalal ng leaders na may tunay na plataporma laban sa korapsyon.


Malinaw aniya na panawagan ito para magising ang bawat Pilipino sa katotohanan na ang korapsyon at corrupt leaders ang sumisira sa bansa.

Kailangan aniyang makita ng taumbayan ang eleksyon sa susunod na taon na isang oportunidad na alisin ang mga tiwaling opisyal at iboto naman ang mga tunay na mapagkakatiwalaan.

Pinayuhan naman ng kongresista ang mga botante na magsaliksik sa background ng mga kandidato na nais iboto sa halalan.

Facebook Comments