Manager at News Director ng Bombo radyo Gensan na naaresto nanindigang na Frame-up lang

General Santos City— Mariing itinanggi ng Station Manager ng Bombo Radyo Gensan na si Jonathan “Janjan” Macailing at ng news Director ng nasabing radyo station na si Boy Galano ang alegasyong silay nangikil ng pera kay Pastor Apolinario ang Founder ng Kabus Padatuon o KAPA Ministry.

Sinabi pa ni Janjan na Isa umanong Frame up ang nangyari. idiniin pa nito na hindi nya nahawakan ang pera ng negusyanteng pastor bagkus ang kanilang transaksyon sana kay apolinario ay aalukin nila itong mag sponsor sa kanilang paparating na event.

Napag-alaman na una nang naaresto ng NBI Sardo si Macailing at Boy Galano matapos itong naaresto ng NBI-SARDO dahil sa pangingikil umano alas 3:00 ng hapon kahapon.


Matatandaan na naaresto ang dalawa matapos dumulog sa NBI ang Founder ng Kabus Padatuon o KAPA Ministry na si Pastor Joel Apolinario matapos umano itong hingan ng 5 million pesos na halaga ng pera kapalit ng pagtigil nila sa pambabatikos sa KAPA.

Sinabi ni Regner Pineza, NBI Sardo Chief na noong isang linggo pa sinimulan ang transaksyon kung saan humingi umano ng 10 milyong halaga ng Pera si Janjan kay Apolinario, pero hindi ito natuloy.

Hanggang sa bumaba umano sa 5 million pesos ang halaga ng perang hiningi ng dalawa kung saan kahapon doon na isinagawa ang entrapment operation.

Dagdag pa ni Peneza na base sa sumbong ni Apolinario sa kanila hindi umano ito ang unang pagkakataon na nanghingi ng pera sa Negusyanteng Pastor ang dalawa dahil nakapagbigay na umano ito ng halagang P400,000.00 noong nakaraang linggo.

Facebook Comments