Manager ng Boracay Airport, idineklarang “persona non grata” ng SB Malay

Boracay – Idineklarang “persona non grata” ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Malay ang manager ng Boracay Airport.

Ito ay matapos na hindi dumalo sa imbetasyon ng SB Malay sa kanilang session noong Martes.

Ayon kay SB Member Floribar Bautista na apat na beses na nilang inimbitahan ang manager ng Boracay Airport na si Mr. Felix Lizares Jr. para sana pag-usapan ag bigyan ng solusyon ang mga reklamo at hindi magandang relasyon ng mga tour guide doon pero ni anino ay hindi manlang nakita.


Hindi rin daw ito nagpadala ng representative o explanation kung bakit hindi ito nakadalo.

Noong nakaraang Martes, Agosto 1 sa session ng SB Malaya ay napagkasunduan ng mga miyembro na ideklara itong “persona non grata” sa pamamagitan ng Resolution No. 083.

Facebook Comments