Pamamaril sa Pagadian City, isa patay; menor de edad, sugatan

Pagadian City – Personal na alitan ang motibong tinutukan ngayon ng PNP Pagadian sa kaso ng pamamaril sa Purok Makabibihag 2, Sta. Lucia Ditrict, Pagadian City na ikinasawi sa isang 18 anyos na lalaki at isa pang menor de edad ang sugatan.

Patay sa pamamaril ang biktima na si Adonis Marlon Dacayan, 18-anyos nakatira sa Barangay Sta. Lucia, Pagadian City at sugatan rin si Juliever Anar Namocatcat, 16 anyos, nang mataan ng bala habang naglalakad sa naturang lugar.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na may kainuman ang biktimang si Adonis ngunit bigla nalang dumating ang hindi pa nakikilalang suspek at binaril ang biktima.


Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit dineklarang dead on arrival, nakuha sa crime scene ang bala ng Calibre 45 na ginamit ng suspek.

Facebook Comments