Nagwala sa pinagtatrabahuhang restaurant ang isang lalaki sa Michigan, US matapos siyang utusang bumalik sa trabaho habang nagsasaya sa party ng mga empleyado.
Inaresto ang 22-anyos na si Dakota James Joblinski noong Disyembre 24 sa ginawang malaking pinsala sa isang branch ng Taco Bell, ayon sa Hillsdale Daily News.
Kasama si Joblinski sa party ng mga empleyado sa labas noong bisperas ng Pasko nang pagsabihan siyang bumalik sa restaurant upang maglinis at isara ito.
Galit na nagtungo sa establisyimento ang manager at binato ng upuan ang bintana ng resto.
Inakala pa ng pulisya na panloloob ang ginagawa ni Joblinski, bago napag-alamang empleyado siya ng resto.
Ayon sa abogado ng Hillsdale County na si Neal Brady, inaalam pa kung anong tunay na nagtulak sa lalaki na magwala.
“He just lost it,” ani Brady.
Nakadetina ang manager at may piyansang $5,000 (P250,000).