Manalo o matalo sa bakbakan ng gobyerno laban sa Maute Group, malungkot parin ang pangulo

Manila, Philippines – Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na kahit pa manalo ang Militar sa bakbakan sa Marawi city laban sa Teroristang Maute group ay hindi parin siya matutuwa o magiging masaya.
Paliwanag ni Pangulong Duterte, ngayon ay nalulungkot siya dahil marami ng namatay at marami ngayon ang nakararamdam ng hirap dahil sa nangyayaring bakbakan sa nasabing lungsod na mahigit isang buwan nang nagpapatuloy.
Sinabi ni Pangulong Duterte, ang gusto lang niyang mangyari ay umalis nalang ang mga radicals at extremist sa mundo ng mga Muslim para magkaroon ng tunay na kapayapaan.
Tiniyak naman ni Pangulong Duterte ang tulong na ibibigay sa mga apektado ng gulo sa Marawi city at hindi aniya niya hahayaang masira ang buhay ng susunod na henerasyon.

Facebook Comments