Mahigit 10 alkalde sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region (CAR) ang ini-imbestigahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa umano ay pagiging-missing in action noong nanalasa ang bagyong Ompong.
Sa interview ng RMN DZXL Manila kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, pinag-aaralan na nila ang naging performance ng mga alkalde noong kasagsagan ng panalalasa ng bagyo.
Aniya, kung mapatunayang nagpabaya ang mga ito sa kanilang tungkulin habang nananalasa ang bagyo, posible silang maharap sa kaparusahan.
Samantala, matapos ang trahedya sa Barangay Ucab, Itogon, Benguet, isinisulong ngayon ng DILG ang barangay council for protection on the environment and natural resources.
Paliwanag ni Diño, ang mga barangay official ang mas nakakaalam sa kanilang lugar pagdating sa usapin ng kalikasan kaya responsibilidad ng mga ito ang kanilang nasasakupan.