MANANAGOT | 500 Grab drivers na sinuspinde, hiniling na sampahan din ng kaso

Manila, Philippines – Pinakakasuhan ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers sa Grab ang 500 drivers na sinuspinde ng nasabing TNVs.

Giit ni Barbers, ang suspensyon na ipinataw ng GRAB sa 500 drivers nito ay hindi sapat para sa stress at inconvenience na idinulot sa publiko.

Aniya, dapat na sampahan ng kaso ang mga drivers sa korte upang mapanagot sa paglabag na ginawa.


Nauna dito ay pinatawan ng suspensyon ng Grab ang 500 drivers nito dahil sa mga reklamo ng kanselasyon at pamimili ng byahe.

Samantala, sinabi naman ni PBA Party list Representative Jericho Nograles na “lokohan” ang 25% lamang ng mga Grab drivers ang hindi makakakita ng destinasyon upang mabawasan na ang cancellation rate.

Giit ni Nograles, kung seryoso ang Grab sa pagsunod sa batas dapat ay 100% o lahat na ng mga Grab drivers ang hindi na makakakita ng destinasyon at hindi 25% lamang.

Facebook Comments