MANANAGOT | BOC, sunud-sunod ang operasyon laban sa mga smuggler

Manila, Philippines – Puspusan ang ginagawang operasyon ng Bureau of Customs (BOC) laban sa mga nagpupuslit ng mga kontrabando papasok ng bansa.

Ngayong umaga ipakikita ni Commissioner Isidro Lapena sa publiko ang nasabat na jetskis na nagkakahalaga ng 20 libong dolyar.

Naharang ang nasabing kontrabando sa Port of Cebu at ngayong umaga ay iprepresenta ito sa mga mamamahagay sa Stripping Area, Cebu International Port, North Reclamation area, Cebu City.


Una rito ay nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang isang payloader at forklift na idineklarang mga piyesa ng mga makina ngunit nabuking ang kontrabando nang dumaan sa X-Ray sa Port of Manila.

Nagkakahalaga ng 30 milyong piso ang naturang mga kontrabando.

Facebook Comments