USAPING PANGKAPAYAAN | Kongresista, nagpaalala sa mga myembro ng peace panels; Ego at pansariling interes, isantabi muna

Manila, Philippines – Pinaalaahanan ni Akbayan Representative Tom Villarin ang mga negosyador sa usaping pangkapayaan na huwag pairalin ang mga pansariling interes.

Ito ay kasunod na rin ng utos ng Pangulo na muling buhayin at ituloy ang peace talks sa rebeldeng grupo.

Giit ni Villarin, dapat isipin ng government peace panel at CPP-NPA-NDF na buhay ng mga tao ang nakasalalay sa peace talks at hindi ang mga ego ng mga peace negotiators.


Dagdag pa ng mambabatas, kung ang bagong initiative na ito ay pinaglalaruan lamang ang taumbayan sa usapin ng kapayapaan ay hindi ito katanggap-tanggap na hakbang ng gobyerno at ng NPA.

Bagamat maganda sa pakiramdam ang magandang balita na ito, umaasa ang kongresista na ang usaping kapayapaan ay hindi simpleng retorika lamang o mabulaklak na salita.

Facebook Comments