MANANAGOT | Dating opisyal ng NHA at DPWH, ipatatawag sa pagdinig ng house committee on housing

Manila, Philippines – Sa Mayo 15 ay ipatatawag ni Negros Occidental Representative Alfredo Albee Benitez sina dating National Housing Authority administrator Chito Cruz, Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson at iba pang dating mga opisyales ng dalawang nabanggit na ahensya para magpaliwanag sa sub-standard na housing project sa Sitio Hongkong, Rio Hondo, Zamboanga city

Si Congressman Benitez, na chairman ng house committee on housing and urban development ay isa lamang sa maraming mga opisyales na biktima ng pagbagsak ng kahoy na tulay habang nagsasagawa ng inspection sa nabanggit na National Housing Authority (NHA) housing project.

Sa forum na ginanap sa Quezon City, sinabi ni benitez na panahon ng nabanggit na mga opisyal itinayo ang pabahay na pinondohan noong 2016.


Tiniyak ng opisyal na mayroong mananagot dito lalupat hindi lang basta alegasyon kundi naramdaman pa nila ang ‘sub-standard’ na materyales na ginamit para itayo ang pabahay.

Sa report na nakarating sa tanggapan ng kongresista, gawa ang bumigay na tulay sa kaparehong kahoy na ginamit sa pagtatayo ng bahay.

Paliwanag ni Benitez, itatakda ng komite ang pagdinig sa kontrobersyal na housing project kasunod ng pagbubukas ng regular na sesyon ng kamara sa darating na Mayo 15

Facebook Comments