NILINAW | Labor Sec. Silvestre Bello III, hindi pinapaburan ang mga employer

22

Manila, Philippines – Bunsod ng una nang naging pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na sa kasalukuyan, hindi talaga maaalis ang lahat ng porma ng kontrakwalisasyon, nilinaw ngayon ng kalihim na hindi niya pinapaburan ang mga employers.

Ayon kay Secretary Bello III, pantay ang tingin niya sa mga kawani at employers, dahil para sa kaniya, magkapartner ang dalawang sektor na ito sa negosyong kanilang pinatatakbo.

Aniya, bilang kalihim ng Labor Department, ginagawa niya ang kaniyang makakaya upang maging balanse ang kanilang serbisyo sa interest ng manggagawa at employer.

Hindi daw kasi tatakbo ang isang negosyo, kung may mawawala sa dalawang ito.

Facebook Comments