MANANAGOT | Ilang rice hoarder at miyembro ng rice cartel sa bansa, tukoy na

Manila, Philippines – Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang mga pagkakakilanlan ng ilang rice hoarder at mga miyembro ng mga rice cartel sa bansa.

Ayon kay PNP Spokesperson Senior Superintendent Benigno Durana, mayroon na silang hawak na mga impormasyon kaugnay sa mga nagtatago at nagmamanipula sa presyo ng bigas.

Gayunman, hindi na muna nila ito maaaring pangalanan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.


Tiniyak naman ni Durana na nakikipag-tulungan na sila sa mga ahensya ng gobyerno para madakip ang mga ito.

Facebook Comments