MANANAGOT | Iligal na pagbebenta ng ticket, mahaharap sa mabigat na parusa

Manila, Philippines – Mahaharap sa mabigat na parusa ang mga taong mapapatunayang nagbebenta ng admission tickets sa labas ng mga otorisadong ticket booth o outlets

Ito ay matapos maaresto ang 9 na indibidwal sa Pasay City dahil sa ilegal na pagbebenta ng tickets para sa Game 1 ng UAAP Season 81 Finals.

Sa House Bill 8694 na inihain ng AKO BICOL Partylist sa Kamara, ituturing na labag sa batas ang pagbebenta ng iligal sa mga ticket ng walang permiso mula sa may-ari o sa organizer ng event.


Makukulong ng hanggang tatlong taon at pagmumultahin ng hanggang P250,000 ang sino man na ilegal na magbebenta ng admission tickets sa labas ng otorisadong ticket booth o outlet.

Inaatasan ang Department of Interior and Local Government (DILG) na lumikha ng mga magiging panuntunan o Implementing Rules and Regulations (IRR) sa sandaling mapagtibay ang panukalang batas.

Facebook Comments