Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Loren Legarda sa Department of Environment and Natural Resources, Department of Tourism, at Department of Interior and Local Government, gayundin ang Office of the Ombudsman na magtulungan para sampahan ng kaso ang mga Local Government Units o LGUs.
Ito aniya ay dahil sa kabiguan ng mga LGUs na maipatupad ng mahigpit ang mga environmental laws sa buong bansa.
Diin ni Legarda, ang palpak na implementasyon ng environmental laws ang dahilan kaya nagkakaproblema ngayon ang Boracay at iba pang ecotourism areas.
Diin ni Legarda, kung naipatupad lang ang mga environmental laws tulad ng Clean Water Act, Clean Air Act, at Ecological Solid Waste Management Law ay wala sanang isyu ngayon sa Boracay.
Sabi ni Legarda, malinaw sa itinatakda ng mga environmental laws ang dapat ay pagkakaroon ng Boracay ng tama at maayos na sewerage at septage systems, gayundin ang tamang pagtatapon ng basura na lahat ay pawang hindi naisagawa.