MANANAGOT | Mga barangay officials na sangkot sa illegal drugs, sisimulan nang kasuhan ng DILG

Manila, Philippines – Pinamamadali ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagsasampa ng kaso laban sa mga barangay officials na sangkot sa ilegal na droga at iba pang criminal activities bago ang Barangay at SK Election ngayong Mayo.

Sa pulong balitaan ng DILG , Commission on Election (COMELEC) at National Youth Commission, sinabi ni DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya na may binuo ng Task Force na pangungunahan nina Undersecretary Martin Diño at Undersecretary Echeverri .

Pinatutukoy sa kanila kung sinu-sino sa may 17,000 na drug influenced officials ang dapat nang kasuhan.


Bukod sa mga barangay officials na nasa watch list ng Philippines Drug Enforcement Agency (PDEA), damay din ang mga opisyal na hindi nagtatag ng Barangay Anti-Drug Abuse Council o BADAC.

Paliwanag pa ni Malaya, na mas mainam na hakbang ang pagsasampa ng kaso kaysa sa ilabas pa ang pangalan ng mga sangkot.

Facebook Comments