Senior Citizen, Nanaksak ng Isang Ginang!

Penablanca, Cagayan – Nagpapagaling na sa ospital ang isang ginang matapos itong saksakin ng isang senior Citizen sa bayan ng Penablanca, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Fredelyn Lagundi, 30 anyos, walang asawa samantalang kinilala naman ang suspek na si Carlito Lagundi, 60 anyos, may asawa at mga pawang residente ng Barangay Callao, Penablanca.

Sa impormasyong nakuha ng RMN News Team, nag-iinuman umano ang biktima kasama ang iba pang kamag-anak at anak ng suspek na kinilalang si John Carl Lagundi ng bigla ay hindi nagkaunawaan ang mga ito at nagtalo.


Dahil dito kaagad na umuwi ang anak ng suspek at nagsumbong sa ama, agad na sumugod dala ang kutsil at sinaksak si Fredelyn Lagundi.

Isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima samantalang agad na sumuko ang suspek sa mga pulis at dinala sa himpilan ng pulisya para sa karagdagang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments