MANANAGOT | Mga nagpapakalat ng mga fake crime reports sa social media, hinahanap na ng PNP

Manila, Philippines – Ipinapahanap na ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa Anti-Cybercrime Group ang ilang indibidwal na nagpapakalat ng “fake crime” reports sa social media.

Nag-ugat ang direktiba ni Albayalde matapos kumalat ang balita kaugnay sa sunod-sunod umanong insidente ng nakawan sa Quezon City.

Ayon kay Albayalde, malaki din ang posibilidad na ilang pulis na nasibak sa serbisyo ang may kagagawan nito dahil alam nila umano kung papaano sisirain ang imahe at pangalan ng kapulisan.


Sinabi pa ng PNP Chief na handa silang magsampa ng kaso sa sinumang mapapatunayang sangkot sa pagkakalat ng fake news lalo na sa social media dahil nagdudulot daw ito ng takot at alarma sa ilang mga nakakabasa nito.

Facebook Comments