MANANAGOT | Mga sangkot sa tangkang pagpuslit ng sako ng asukal, kinasuhan

Manila, Philippines – Sinampahan ng patung-patong na kaso ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ) ang importer, customs broker at 12 iba pang BOC employees na kasabwat sa tangkang smuggling.

Ito ay kaugnay ng nadiskubreng 5,000 sako ng asukal sa Manila International Container Port (MICP) noong Agosto 16 at ang pagtatangka ng ilang empleyado ng BOC para pagtakpan ang iligal na gawain.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, ang anim na shipment ay naka-consign sa Don Trading mula Thailand kung saan naalerto ang district collector ng MICP.


Nahaharap sa kasong economic sabotage, misdeclaration, large-scale agricultural smuggling at iba pa sina Dennis Orlanda Narra, may-ari ng Don Trading at customs broker na si Ameloden Buruan Riga dahil sa pag-iimport ng asukal ng iligal.

Pakikipagsabwatan naman ang inihain kina Customs Examiners Ruel Pantaleon, Raul Cimagala Jr., Vanzandt Remonde, Edmar Batino at Robert Tuason at mga kasama nilang customs appraiser.

Kinasuhan rin sa DOJ sina MICP OIC District Collector Fidel Benigno Villanueva na nag-apruba sa rekomendsyon ng pag-alis ng alert orders ni Lapeña; special assistant on assessment for the district collector Terencio Comon at ang office of the district collector representative Gerardo Porible na tumestigo sa hindi makatutohanang eksaminasyon.

Facebook Comments