MANANAGOT | NFA, hiningi na ang tulong ng NBI laban sa illegal rice trading

Manila, Philippines – Hiningi na ng National Food Authority (NFA) ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) para hulihin ang mga negosyante ng bigas na nasa likod ng pagmamanipula ng presyo ng naturang pagkaing butil sa merkado.

Itinalaga ni NFA Administrator Jason Aquino si NFA National Capital Region Director Carlito Co bilang NFA focal person.

Direkta siyang nakipag-ugnayan sa National Bureau of Investigation (NBI) sa inspeksyon sa mga bodega ng bigas sa bansa.


Ginawa ni Aquino ang hakbang sa harap ng pagdating na sa bansa ng malaking volume ng imported rice na bigas na ididiretsong maikalat sa sa ibat-ibang pamilihan sa bansa na sa kasalukuyan ay sumisipa na ang presyo ng bigas.

Nais ni Aquino na matiyak na ang mga inanggkat na bigas ay hindi mapapalitan at maibenta sa mas mataas na presyo ng mga mapagsamantalang rice traders.

Nainspeksyon na ng NFA ang nasa 53,662 na bodega sa buong bansa mula enero hanggang hulyo ngayong taon.

Natimbog naman ang may 4,774 rice traders na sangkot sa ibat-ibang paglabag tulad ng rebagging at diversion ng bigas.

Ito ay sa kabila na mayroon lamang silang 100 inspectors sa buong bansa o katumbas ng one inspector one ratio.

Facebook Comments