MANANAGOT | Pagpaparusa sa mga hindi susunod sa SRP sa bigas, ipatutupad

Manila, Philippines – Ipapatupad na sa Nobyembre 9 ng National Food Authority (NFA) ang parusa sa mga negosyanteng hindi susunod sa Suggested Retail Price o SRP sa bigas.

Ayon sa NFA, makakatuwang nila sa pagbabantay sa mga hindi susunod sa SRP ang Department of Trade and Industry (DTI) at Philippine National Police (PNP).

Ang mga lalabag sa SRP ay bibigyan muna ng warning sa unang paglabag pero kung mauulit pa ay maaaring makulong ng apat na buwan hanggang apat na taon at multang P2,000 hanggang isang milyong piso.


Pwede ring kanselahin ng NFA ang lisensya ng mga pasaway na retailer.

Facebook Comments