MANANAGOT | Pagsabog sa Sultan Kudarat kinondena ng Malacañang

116

Mariing kinondena ng Palasyo ng Malacañang ang insidente ng pagdabog sa Kalawang Tres Isulan Sultan Kudarat kung saan dalawa ang napabalitang namatay habang 34 naman ang sugatan.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque pinatitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapapanagot ang nga nasa likod ng nangyaring pagsabog.


Tiniyak ni Roque na gagawin ng Pamahalaan ang lahat upang matukoy kung sino ang utak ng pagpapasabog at gagamitin ng pamahalaan ang buong lakas nito para maparusaahan ang mga salarin.

Matatandaan na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang itiuturo pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasa likod ng pagsabog.

Facebook Comments