Manila, Philippines – Tutulong na rin ang Philippine National Police (PNP) para arestuhin ang mga negosyanteng ginagamit ang umiiral na TRAIN law para makapagtaas ng presyo ng bilihin,
Kasunod na rin ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang mga abusadong negosyante.
Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, tutugon ang pambansang pulisya sa kampanya ng Pangulo sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga aksyon ng Bureau of Internal Revenue o BIR.
Ang BIR aniya ang pangunahing ahensyang nakatuon sa pagbubuwis at may hurisdiksyon din sa usapin ng TRAIN law.
Paliwanag ni Albayalde ang magiging papel lamang ng PNP ay magbigay ng suporta at pag-aksyon sa mga gawain ng BIR na may kinalaman sa seguridad at police matters tulad ng pag habol sa mga negosyanteng nagsasamantala gamit ang TRAIN law.