MANANAGOT | Suspek sa van incident sa Toronto, Canada, sinampahan na ng kaso

Toronto, Canada – Kinasuhan na ang driver ng rental van na nakasagasa at nakapatay ng 10 tao sa Toronto, Canada.

Sampung bilang ng first-degree murder at 13 counts ng attempted murder ang kahaharapin ng suspek na si Alek Minassian, 25-anyos.

Ayon kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau, walang dahilan na may koneksyon sa national security ang insidente.


Nanawagan din si Trudeau sa kanyang mga kababayan na tumayo at magkaisa.

Sa kabila nito, mahigpit ang seguridad ang ilalatag sa nalalapit na G7 Summit sa Quebec sa Hunyo.

Facebook Comments