North Korea – Binabalak ngayon ng North Korea na iparada ang daan-daang long-range missiles sa February 8, isang araw bago ang Winter Olympics sa South Korea.
Ang planong ito ay naglalayon umano na takutin ang Amerikano, gayundin ang posibilidad na magpakawala muli ng missile bilang test hindi kalaunan bilang pag-kondena sa pwersa ng US na deployed ngayon sa Korean Peninsula.
Nauna ng nagkaroon ng usapin sa pagitan ng Hilaga at Timog Korea sa pagsali ng Pyongyang sa Winter Olympics, na isang dahilan din umano para mapahupa ang tensyon sa pagitan ng mga ito.
Pero kamakailan lang nang i-pull out ng North ang pagsali pagkat patuloy umano ang pag-insulto ng media mula sa South sa mga hakbang na gagawin ng nasabing bansa.
Facebook Comments