MANANATILI | Pananatili ni Kerwin Espinosa sa kustodiya ng NBI, kinatigan ng korte

Manila, Philippines – Mananatili pa rin sa detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI) si self-confessed drug lord Kerwin Espinosa.

Ito ay matapos katigan ng Manila Regional Trial Court, Branch 26 ang mosyon ni Kerwin na huwag siyang ilipat sa Manila City Jail.

Una nang iginiit ni Espinosa sa kanyang urgent ex-parte motion for issuance of commitment order na delikado ang kanyang buhay sa nasabing kulungan.


Inatasan din ni Presiding Judge Silvino Pampilo Jr ang National Bureau of Investigation (NBI) na patuloy na isailalim sa kanilang kustodiya si Kerwin.

Nilinaw ni Judge Pampilo sa kanyang desisyon na si Espinosa kasi ay nasa ilalim pa rin ng WPP o Witness Protection Program ng DOJ.

Facebook Comments