ASIAN GAMES | Agatha Wong nakakuha ng tanso sa 2018 Jakarta-Palembang Asian Games

Indonesia – May tatlong tansong medalya na ang Team Pilipinas sa 2018 Jakarta-Palembang Asian Games sa Indonesia.

Nakuha kasi ni Agatha Wong ang bronze medal sa Wushu Women’s Taijijian at Taijiquan Event.

Hindi naman pinalad na makakuha ng podium finish ang swimmer na si Roxanne Yu sa 200 meter final.


Pangwalo lamang kasi si Yu sa kaniyang event na napanalunan ni Daiya Sato ng Japan na naungusan ang teammate nito na si Nao Horomura. Bronze medal naman ang nakuha ni Zhuhao Li ng China.

Tinalo naman ng Pinay Blu Girls ang Hong Kong, 8-0 sa elimination round ng women’s softball.

Nangunguna pa rin ang China na may anim na ginto, tatlong silver at tatlong bronze medal.

Facebook Comments