Gumagawa na ng paraan ang Mandaluyong City Government upang maiwasan ang pagkalat ng Novel Corona Virus-Acute Respiratory Disease (nCoV ARD).
Ayon kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, nakipagpulong na siya sa mga Business Owner, mga myembro ng Filipino Chinese Chamber of Commerce of Mandaluyong, Muslim Community, Condominium owners, Transport groups, Barangay Captains at Homeowner Associations para sa preventive measures sa nCoV.
Ipinanaliwanag ng alkalde ang kahalagahan ng paglilinis na siyang pangontra sa nakamamatay na sakit na nCoV.
Paliwanag ni Abalos, inatasan niya ang mga may-ari ng mga establisyemento, lalo na ang mga mall owners, Hotel at Condominium na magtalaga ng mga tauhan na regular na maglilinis ng handrails, doorknobs, escalator, elevator at iba pa.