Mandaluyong City, mayroong siyam na bagong COVID-19 recoveries

Kinumpirma ng Health Department ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong na mayroong mga pasyente ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na nakarekober na sa kanilang lungsod.

Batay sa kanilang tala, ang bagong siyam (9) na pasyente na gumaling sa COVID-19 ay mula sa Barangay Addition Hills at Barangay Highway Hills na mayroong tig-apat.

Samantala, may isang (1) COVID-19 patient ang Barangay Barangka Drive na makakauwi na rin sa kaniyang tahanan.


Sa ngayon, ang Mandaluyong City ay mayroon nang 642 na kabuuang bilang ng COVID-19 recoveries.

Subalit, nadagdagan din ng apat (4) na bagong kaso ng COVID-19 kaya naman mayroon na itong kabuuang bilang na 885 COVID-19 confirmed cases.

Ang apat (4) na bagong kaso ay mula Barangay Addition Hills at Barangay Malamig na meron tig-isa, habang ang Barangay Highway Hills ay mayroong dalawang bagong kaso ng virus.

Nananatili naman na 64 ang bilang ng mga nasawi sa lungsod dulot ng COVID-19.

Facebook Comments