Mandaluyong Medical Center, kapos sa healthcare workers; mass hiring sa mga health workers, deadma lang

Aminado ang pamunuan ng Mandaluyong Medical Center na kinakapos sila ng mga health workers kaya nag-alok na sila ng mass hiring para rito pero wala namang pumapansin sa panawagan nila dahil marami ang mga takot na mahawa sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Ayon kay Dr. Zaldy Carpeso, Director ng Mandaluyong Medical Center, nangangailangan sila ng dagdag-pwersa para mapunan ang kakulangan ng medical personnel matapos na mahawa sa COVID-19 ang 50 nilang medical personnel.

Paliwanag ni Carpeso, kahit 10 o 15 aplikante ay malaki na umano ang maitutulong sa kanila pero ang problema ay wala naman silang mga aplikante natatakot na mahawa sa nakamamatay na virus.


Giit nito, tanging mga emergency cases lamang ang kanilang tinatanggap dahil may kakulangan sila sa mga medical personnels kaya limitado pa rin ang kanilang pagtanggap ng mga pasyente.

Hakbang na rin ito para makapag-disinfect sila ng hospital at mahintay ang pagbabalik ng mga nagpapagaling nilang mga tauhan.

Facebook Comments