
Kinumpirma nito Mandaluyong Police Chief Col. Mary Grace Madayag na hindi hawak ng sindikato ang batang nasa viral video na nagtitinda ng sampaguita at naka-initan ng isang security guard sa isang malaking mall sa Mandaluyong City.
Ayon kay Madayag, ang18 anyos na babae ay scholar sa isang pribadong paaralan.
Aniya, matalino ito at nagpupursige sa kaniyang pag-aaral.
Sinabi pa ni Madayag na mismong ang barangay officials mula sa lugar na tinitirahan ng estudyante ang nagpatunay na lehitimo itong estudyante.
Ito ay taliwas sa kumakalat na version na hindi totoong estudyante ang babae.
Kaya aniya ito nagtitinda ng sampaguita para makatulong sa kanyang pamilya sa pang-araw-araw na pangangailangan.
Ito ay lalo na’t kaka-demolish lamang ng tahanan ng pamilya nito sa Quezon City.
Tiniyak naman ng Mandaluyong Police na nasa ligtas na kalagayan ang biktima at kanila itong binibigyan ng proteksyon.