LTO, tiniyak na maipapamahagi sa katapusan ng Abril ang lahat ng plaka ng tricycle

Tiniyak ng Land Transportation Office (LTO) na maipamamahagi na ang lahat ng license plates ng mga tricycle pagdating ng April 30, 2025.

Naglabas ng kautusan si LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza sa lahat ng regional director ng ahensiya na kumpletuhin ang pamamahagi ng mga plaka ng traysikel bago ang naturang deadline.

Kumpiyansa si Mendoza na makakamit nito ang target dahil sa mas mabilis na license plate printing noong nakaraang taon.


Inatasan na rin ng LTO chief ang mga LTO regional director na isumite ang kanilang plano kung paano pabibilisin ang trabaho.

Ito ang nakikitang solusyon ng LTO sa paglaganap ng mga colorum tricycle.

Lumalabas sa inventory ng LTO na may sapat na plaka para sa lahat ng tricycle sa bansa.

Facebook Comments