MANDALUYONG SHOOTING INCIDENT | Pyansa ng mga pulis na nasangkot, sasagutin ng PNP

Manila, Philippines – Babayaran ng Philippine National Police (PNP) ang piyansa ng mga pulis na nasangkot sa misencounter sa Mandaluyong City, kung saan dalawa ang napatay at dalawa ang sugatan.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Ronald Dela Rosa, responsibilidad ng PNP na tulungan ang mga pulis na ito kaya naman nag-iipon na sila ngayon ng pondo para mai-piyansa sa sampung pulis na kinasuhan ng double homicide at double frustrated homicide.

Batay sa kautusan ng Mandaluyong RTC Branch 21, P128, 000 pesos ang piyansa ng bawat isa sa mga kinasuhang pulis.


Nanindigan si Dela Rosa na kahit pumalpak ang mga pulis na ito ay dapat silang tulungan.

Aniya, nagkamali lamang ang mga ito at wala silang masamang intensyon nang nangyari ang enkwentro, dahil nakabatay ang responde nila sa tawag at sumbong ng mga barangay tanod.

Facebook Comments