Pinag-aaralan na ng Metro Manila Council (MMC) na gawing mandato ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa rehiyon.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, inaprubahan ng 17 alkalde sa Metro Manila ang isang resolusyon na bubuo ng Technical Working Group (TWG) na mangunguna sa pag-aaral.
Aniya, magiging katuwang ng TWG sa pag-aaral ang Inter-Agency Task Force (IATF) at aalamin ang mgiging legalidad nito.
Paliwanag ni Abalos, sa ilalim ng mandatong pagbabakuna ay ang pagtatalaga sa vaccination cards bilang requirement para makapasok o makabisita sa partikular na lugar.
Nauna nang inanunsyo ng OCTA Research Team na tumaas sa mahigit 5 porsyento ang daily positivity rate sa National Capital Region (NCR).
Facebook Comments